藍二乗 [Ainijou] [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-11-23 17:01:24

藍二乗 [Ainijou] [Filipino/Tagalog translation]

Ang tanawin ay hindi nagbabago sa makulimlim na hapon

Ako'y nakahiga sa kalaliman ng tina sa ilalim ng tulay

Ako'y nakarinig ng palakpak sa aking walang-kabuluhang pahina ng aking buhay

Umaawit tungkol sa kahungkagang aking nadarama ngayon, gaya nang dati.

Ang mga bagay-bagay ay 'di magbabago,

Sa aking kuwaderno, ako'y sumulat ng kuwento na kung saan ikaw ang bida

Aking suplay ng gasul at tubig ay pinutol, at ang lipunan at ang mga balita ay problema na nang iba

Tingnan mo, ang buhay ko'y parang tinta.

Ang aking pangarap noon ay unti-unting nalalapit sa katapusan habang ako'y tumatanda.

At ako'y pinagmasdan na lamang ang mga ulap,

Gaya ng dati, umaagos sa aking paningin

Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ang mga bulaklak ay tila bang lumalangoy,

Karaming bulaklak na mahahalintulad sa tagsibol

Parang bigla ka lang nawala sa paningin ko.

Ako'y lumingon pababa para 'di matisod.

Ang buhay ay walang kahalagahan ngunit puno ng kompromiso

Hindi ako naniniwala sa mga patungkol sa pag-ibig, o tadhana, mga kundiman, o buhay.

Sa huli, kapag hindi mabenta, ito'y walang halaga

Sinadya kong itinapon ang aking mga nais mahangad, at ngayon. ako'y nakatunganga dito hanggang sa petsa ng katapusan

Sa likod ng aking talukap, nakita, nakita ko,

Ang harayang at malabong tanaw ko sa'yo

Sa aking kwaderno, mga bulaklak ay sumasayaw sa sulok ng gabi

Isa pa sa aking mga mata.

Ang kompromiso ay patuloy na dumadaloy sa agos ng buhay,

Kay bilis kong matutuhan ito,

Elma, ikaw na nga,

Ikaw ay nag-isa sa aking musika.

May walonapu'ng titik pa ang nalalabi sa kantang ito.

Siguro dahil ang halaga ng buhay ay sa paraan ng pagtatapos nito.

Sa aking isip, inilalarawan na lang kita

At ang aking paningin ay lumalabo sa kalaliman ng bughaw

Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ang mga bulaklak ay tila bang lumalangoy

Ang kalaliman ng bughaw ay bumabalot sa aking mga mata.

Ito, Ito lamang...

Sa kalayuan ng gabing kalangitan, ikaw ay lumalamig,

Na para bang lumalangoy ka sa kalangitan ng gabi.

Yorushika more
  • country:Japan
  • Languages:Japanese
  • Genre:Pop, Pop-Rock, Rock
  • Official site:http://yorushika.com
  • Wiki:https://ja.wikipedia.org/wiki/ヨルシカ
Yorushika Lyrics more
Yorushika Featuring Lyrics more
Yorushika Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs