Ang tanong [English translation]

Songs   2024-10-05 11:20:48

Ang tanong [English translation]

(Intro)

mahirap isipin kung papaano

ngunit ang kasagutan ay nasasaiyo

nasaan ka sa mundong ito

anong nagawa mo sa kapwa mo

bakit may mga taong nanglalamang

sa mga tao na kaunti lang ang alam

hindi mo ba alam

na ang buhay natin ay hiram lamang

(REF)

ba't nagkaganito

bakit ka nandirito

hindi mo ba nalalaman

na iisa lang ang ating hantungan

walang iba kundi ang libingan

bakit ganoon ang tao sa lipunan

marami sa kanila ang gahaman

ang tanging hangad ay magpayaman

di bale kahit kapwa'y matapakan

lahat ng adhikain tungo sa kasamaan

ngunit ang nasa bibig ay puro kabutihan

marahas na paraan ang tanging alam

kahit ang maykapal ay gusto pang higitan

(REF)

ang tanong ko ngayo'y ganito

sa lahat na nandirito

tingan mo ang iyong anino

yan ba ay sa iyo

  • Artist:Asin
  • Album:Himig Ng Lahi
Asin more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, Ilokano, Cebuano, Hiligaynon
  • Genre:Rock
  • Official site:
  • Wiki:http://en.wikipedia.org/wiki/Asin_(band)
Asin Lyrics more
Asin Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs