Apoy lyrics

Songs   2024-07-03 16:37:09

Apoy lyrics

[Gloc-9]

Kahit na may magpahaging

Di ako kumikibo

Pilit man nilang hatakin

Pataas kang lumayo

Pangalan mo man ay lapain

Tiyagain mong itayo

Mga mata nila'y silawin

Apoy na malayo pa na maging abo

(Marami na akong naabutan

Marami narin ang nauna

Pero sino ba talagang mahusay?

Maniwala ka, hindi lang isa)

Ang dami-dami ng sabi-sabi

Ibang atake

Hinihimay na parang mamiso mong pamasahe

Kulang pa ang salita na nakakalalake

Dalawang taon ko na tinrabaho

Walang nangyare

Meron pala

Pero parang gasulinang gamit

Sa panahon na palaging hiram aking damit

Kanin na pinisa

Gamit na pandikit

Meron ding napala

Kasi nga makulet

Hindi ko tinigilan

Hanggang sa makuha ko

Paltos na talampakan

Kalsadang bako-bako

Pitasin ang tagumpay sa puno ng bigo

Natuto na tumingala

Kahit naka yuko

Tanong ko'y bakit nilait-lait

Ganun kalapit

Saking mukha naligo naman

Ako'y bagong ahit

Parang madungis

Namamalimos ng malasakit

Tinapay na pinaghirapan

May ibang dumagit

Kahit na may magpahaging

Di ako kumikibo

Pilit man nilang hatakin

Pataas kang lumayo

Pangalan mo man ay lapain

Tiyagain mong itayo

Mga mata nila'y silawin

Apoy na malayo pa na maging abo

(Tol, kung akala mo na puwede kang tumunganga

Hanggang sa matapos ang lahat ng ito

Nagkakamali ka)

Puwede bang mag kuwento

Ako kahit isa

Nangyare sakin nong ako ay nag-uumpisa

Upang hindi manghula

Dapat makabisa

Ibig sabihin

Lahat ng nakikita nila

Ay may pinanggalingan

Bago makarating

Kung alam mo ang sagot di na dapat tanungin

Sinisante sa kumpanyang kung tawagi'y bituwin

Nasimot na daw nila lahat ng puwedeng pigain

Kung usapang katas

Yan ay marami pako

Mga nakasalamuha

Taong nakatrabaho

Sumulat ng kantang lima

Na aking inilako

Tapos ay nakilala namin ni Chito si Lando

Kahit di karpintero natutong mag martilyo

At bumuo ng upuan

Ako ay Pilipino

Kung may gustong sabihin sige halika dito

Walang kaso kahit na datihan ka man o bagito

Kahit na may magpahaging

Di ako kumikibo

Pilit man nilang hatakin

Pataas kang lumayo

Pangalan mo man ay lapain

Tiyagain mong itayo

Mga mata nila'y silawin

Apoy na malayo pa na maging abo

[Third Flo']

(Naaalala ko nung ako'y dinarag-darag

Kapayapaan sa loob ko ay halos mabasag)

Pero 'di nagpatinag at nagsipag na lamang

Nangako na ang mga 'yan 'gang tingin na lamang

Apoy nag liyab nung ako'y matahin

Ikatlong palapag mas binigyan diin

Manigas mga nagnigas kugon

Sa wakas 'lam na kung nasan ngayon

Ngumiti sa halip na gumanti sa bumabato

Habang hininila pababa mas lalo lang lumalayo

Humiling sa uniberso gamit berso

Gawing positibo ang negatibo sa merong atraso

Marunong mag patawad pero di nakakalimot

Ginawa kong gasolina ang sakit na naidinulot

At ngayon ay parang sigang di maawat-awat

Bonifacio na micropono ang hawak-hawak

Lalaban sa huli para sa aking pangarap

Babaon ko sa tuktok tundo 'yan ang watawat

[Gloc-9]

Kahit na may magpahaging

Di ako kumikibo

Pilit man nilang hatakin

Pataas kang lumayo

Pangalan mo man ay lapain

Tiyagain mong itayo

Mga mata nila'y silawin

Apoy na malayo pa na maging abo

Gloc-9 more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, Tagalog (dialects), Kapampangan
  • Genre:Hip-Hop/Rap
  • Official site:http://www.glocdash9.com/
  • Wiki:https://en.wikipedia.org/wiki/Gloc-9
Gloc-9 Lyrics more
Gloc-9 Featuring Lyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs