Beautiful [ft. Camila] [Filipino/Tagalog translation]
Beautiful [ft. Camila] [Filipino/Tagalog translation]
Hey
Anghel na kay ganda, magandang maganda
May kulang man mahal pa rin kita
Ang bukas ay panandalian lang
Kaya gusto ko lang ipa-alam
Bagay sa 'yo 'pag gamit mo 'yung Gucci
Ngunit 'pag nakahubad, walang katulad
Bisyo mo man ang Backwood at ang Henny
Sabing ika'y para sa 'kin, aking harapin
Nagsimula nung tayo'y bata
Sumpa sa Diyos na mahal kita
Patawad, nalaman ng iba
Siguro nga pangalan nati'y maingay
Walang sinumang nagsabing 'di bagay
Buhay ngayo'y napakaganda
Gabi ngayo'y napakaganda
'Di, hindi
Hey
Anghel na sobrang napakaganda
May kulang man mahal pa rin kita
Ang bukas ay panandalian lang
Kaya gusto ko lang ipa-alam
Oh Diyos ko
Oras ay nasa'n?
Sana ang oras ay bagalan
Pa'nong alas-sais?
Haplos mo'y nagpahiwatig
Tanawin ngayo'y napakaganda
Buhay ngayo'y napakaganda
Kasama na ang anghel, bukam-bibig ay
Oh-ah
'Wag kang mag-alala, ika'y mahusay
Minsa'y nag-aalala, ngayo'y 'di na
Halina't halikan mo 'ko
Halik, walang 'sing-tamis
Salamat sa Diyos at mga tala
Sinta, alam mo ba kung ano ka?
Oo, giliw ikaw
Hey (hey, giliw)
Anghel na kay ganda, magandang maganda
May kulang man mahal pa rin kita
Ang bukas ay panandalian lang
Kaya gusto ko lang ipa-alam
Bagay sa 'yo 'pag gamit mo 'yung Gucci
Ngunit 'pag nakahubad, walang katulad
Ang bukas ay panandalian lang
Kaya gusto ko lang ipa-alam
Gusto ko lang ipa-alam
Sumpa sa Diyos, maganda ka
- Artist:Bazzi
- Album:COSMIC