Blessed [Filipino/Tagalog translation]
Songs
2024-11-28 13:50:23
Blessed [Filipino/Tagalog translation]
Mapalad na masasabi,sila'y doon tumatahan
at palaging umaawit, nagpupuring walang hanggan.
Ang sa iyo umaasa'y masasabing mapalad din
silang naghahangad sa ating Diyos.
Habang kami'y lumalakad,lalo kaming lumalakas
hanggang makita namin Kayo
Pakinggan po Ninyo ang aming daing
O Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat
Pagpalain Ninyo ang aming lupain
habang kami'y sumasamba sa Inyo
Sapagkat banal Kayo
Sapagkat banal Kayo
Sapagkat banal Kayo, Panginoon
- Artist:Hillsong Church
- Album:Blessed (track 01)