Breathe [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-07-07 11:12:04

Breathe [Filipino/Tagalog translation]

Tayo'y pawang mga estranghero

Lumalaban sa mga kalye na walang mapagkasunduan

Tayo'y nagngangalit lamang

Naghahanap ng mapagbubuntungan

Ngunit nariyan ka

Na pakiwari ko'y hindi estranghero

Namumukod tangi sa karamihan

Panganib ay 'di ko maramdaman

Ako'y nawawala hanggang mahanap kita

Sinta, sinta, maaari bang ako'y iyong sagipin?

Ayokong manatili kung hindi ka rin

Ang alam ko lang ay kailangan kita, sinta

Hagkan mo ako upang tuluyang makahinga

Tayo'y pawang mga estranghero

'Di makaalis sa lupa, grabidad ay linalabanan

Tayo'y nagngangalit lamang

Naghahanap ng kapayapaan

Ngunit nariyan ka

Ikaw ang aking sinag-araw

Ikaw ay panghabang-buhay

Oras ay aking nalilimutan

At maging pagsapit nito sa aking hangganan

Sinta, sinta, maaari bang ako'y iyong sagipin?

Ayokong manatili kung hindi ka rin

Ang alam ko lang ay kailangan kita, sinta

Hagkan mo ako upang tuluyang makahinga

Tayo'y pawang mga estranghero

'Di makaalis sa lupa, grabidad ay linalabanan

Tayo'y nagngangalit lamang

Naghahanap ng kapayapaan

Ngunit nariyan ka

Ikaw ang aking sinag-araw

Ikaw ay walang-kamatayan

Oras ay aking nalilimutan

At maging pagsapit nito sa aking hangganan

Sinta, sinta, maaari bang ako'y iyong sagipin?

Ayokong manatili kung hindi ka rin

Ang alam ko lang ay kailangan kita, sinta

Hagkan mo ako upang tuluyang makahinga

Tuluyang makahinga

Tuluyang makahinga

Hagkan mo ako upang tuluyang

Nang sinabi mong mahal mo ako, sinta

Araw ay 'yong dinala at pinawi ang sakit na nadarama

Ang ang pagkabalisa ay napakalayo na

Di makapaniwala sa aking nadarama

Na ang buhay ay napakaganda hanggang mahagkan ka

Oo nga

Sinta, sinta, maaari bang ako'y iyong sagipin?

Ayokong manatili kung hindi ka rin

Ang alam ko lang ay kailangan kita, sinta

Hagkan mo ako upang tuluyang

Hagkan mo ako upang tuluyang

Hagkan mo ako upang tuluyang makahinga

James Arthur more
  • country:United Kingdom
  • Languages:English
  • Genre:Dance, Hip-Hop/Rap, Pop-Rock, Singer-songwriter
  • Official site:http://www.jamesarthurofficial.com/
  • Wiki:http://en.wikipedia.org/wiki/James_Arthur_(singer)
James Arthur Lyrics more
James Arthur Featuring Lyrics more
James Arthur Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs