Cerberus lyrics

  2024-05-13 10:17:56

Cerberus lyrics

ABRA:

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak utak utak ko!

Sige bilisan mo pa ha hanggang sa madapa kasi ang kupad kupad mo

Takbo para di ka maabutan, kinikilabutan, kinatatakutan mo

Kapag nahuli ka patay kang bata ka na para bang nakunan sa sinapupunan ugh

Isa dalawa tatlo kilala bilang mga sira ulo

halatang inakala ng iba

na di makapangyarihan ang mga ginayuma

wasak ang mga talukap ng mga masangsang na alamang at talangkang walang alam

at halatang nagtatangkang maghatakan ng pababa ng pababa lang hanggan sa hangganan ng walang hanggan

Puro mga inggitero na bagot, oo mga feelingerong nayamot

pano niyo ko hihilahin sa balong malilim e hindi niyo nga ko maabot

bratatatatatara chik chik bang! o di ba nakakatakot?

pagkat di nyo matatakasan ang boses ng kabataan

kapag sure hit na ang mga pasabog

sino ba yan? sinubaybayan at sinabayan nanaman ng buong sambayanan

kahit gago,makabago, makatao at makatarungan eto na si abra tantananan.

di man katangkaran pero nakayanang umakyat sa pedistal at gumawa ng himala

binatang makatang matinik na kakaiba talaga mag-isip miski maliit

ang dami paring mga tumitingala braaaa!

LOONIE:

Sige pumasok ka sa loob ng aking utak

pwede mo itong ihalintulad sa isang higanting pintuang di mo maitulak

tignan mo itsura, di mo masikmura? parang ginawa mo inumin ang suka

wag kang umasa na mangyari magka-chansa ka sakin, kasi distansya natin

bituwin at lupa

libu-libong sinagupa binaon parang basura pinipicturan ko muna bago ilibing sa lupa

primitimong lirisismo pipilitin kong pihitin kung tingin mong kiliti mong imposible kong makuha

pilipinong sining at literaturang hinaluan ng mga bara na parang hiroglipiko ang sulat

mga titik na inipon at sinukat ay nagiging ipo-ipo pag hindi ko naisuka

pag ako nagalit, papaupuin kita sa dala ko na karet

ako si kamatayan bumaba mula sa langit

alam mo ba kung bakit? para sindihan ka nang buhay

hanggang sa malapnos ang balat at makalbo ang anit

pag parang kambing na yung amoy papatayin ko yung apoy palakol ang gamit

sige pumasok ka pa sa loob ng aking utak

hinulma ng usok, puyat, Kuya Kiko at ni 2pac

susubukan kong unatin at sukatin sa talampakan

upang makita nila lampas bente ang taas

maaring makapasok kaso nga lang pag pintua'y nagsarado siguradong

di na pwedeng lumabas

RON HENLEY:

sige pumasok ka sa loob ng aking utak

para kang umakyat ng banahaw at naligaw sa gitna ng gubat

di mo maintindihan parang dikit dikit na sulat ng doktor

mga kabit-kabit na letrang parang tren pinanakbo pa rin

kahit akala ng iba'y kinakalawang ang motor

Hawak ko'y tinidor na mula kay Poseidon at Shiva

Pag tinamaan nang lintek siguradong may baong matataas na along

kayang lumamon ng isla

salamat ginising mo ang pinakamatangkad sa limang daliri ko

uso ata ang utak at pusong mabato panahong paleolitiko

masdan mo ang sugat sa likod ng larawang ng mga multong di na nagparamdam

dati'y binabahayan ng pula ngayon nama'y binabawi na ng mga itim na langgam

Naramdaman ang nagbabagang lupa mula sa palad ng shaman

nagpatangay sa hangin hanggang sa mapadpad sa patag na dapat lakaran

pag daan ko mga aso kumahol

yung iba naglabas ng pala, piko't asarol

sinubukan nilang hukayin ang lalim ngunit natagpuan lang nila ay ang kanilang

sariling ataol

tanggalin niyo na muna ang mga muta sa mata na nakabara hala sige maghilamos

nang makita niyo na mga patay na isda lang ang sumasabay sa agos.

Abra (Philippines) more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, English
  • Genre:Hip-Hop/Rap
  • Official site:
  • Wiki:
Abra (Philippines) Lyrics more
Excellent recommendation
Popular