Coward of the County [Filipino/Tagalog translation]
Coward of the County [Filipino/Tagalog translation]
Lahat tawag sa kanya'y
Duwag ng bayan*
Ni minsan, di man lang tumayo
Para sabihing hindi totoo
Pinangalan sa kanya'y Tommy
Tawag ng tao sa kanya'y takot
Pero alam ko na
Mali ang husga nila sa kanya
Siya'y sampung taon
Ama niya'y namatay sa kulungan
Inalagaan ko siya
Dahil anak siya ng aking kuya
Naalala ko pa ang mga huling sabi niya
Sabi niya kay Tommy
Anak, buhay ko'y tapos na
Pero nagsisimula lang sa iyo
Ipangako mo anak
Na huwag gawin ang aking mga ginawa
Iwasan ang away kung maaari
Di ibig sabihin na ika'y mahina
Kapag ibigay mo ang kabilang pisngi mo
At sana'y maunawaan mo
Anak, di mo kailangan lumaban
Lahat tayo'y merong mahal
At ang minahal niya'y si Becky
Sa kanya, di niya kailangan
Ipakitang lalaki siya
Isang araw na wala siya
May mga lalaki++
At pinagsamantalahan si Becky
Tatlo sila
Binuksan ni Tommy ang pinto
At nakita si Becky umiiyak
Punit na damit, basag na hitsura
Hindi na niya ito mapapalampas
Inabot niya sa taas ng pugon
Ang larawan ng kanyang ama
Habang bumagsak ang luha sa mukha ng ama
Narinig ko ulit ang mga salita
Ipangako mo anak
Na huwag gawin ang aking mga ginawa
Iwasan ang away kung maaari
Di ibig sabihin na ika'y mahina
Kapag ibigay mo ang kabilang pisngi mo
At sana'y maunawaan mo
Anak, di mo kailangan lumaban
Tinawanan lang siya
Ng pumasok siya sa inuman
Tumayo ang isa
At sinalubong siya
Umikot si Tommy at sabi nila
Aalis na si duwag
Pero walang tunog
Nung sinarado ni Tommy ang pinto
Dalawampung taong
Naipon sa loob
Hindi siya nagtimpi
Binigay niya ang lahat
Pag-alis ni Tommy
Walang naiwang nakatayo
Sabi niya'y, ito'y para kay Becky
Habang pabagsak ang huling lalaki
At narinig ko siya at sabi
Ipangako ko itay
Na huwag gawin ang aking mga ginawa
Iwasan ang away kung maaari
Di ibig sabihin na ako'y mahina
Di ko ibinigay ang kabilang pisngi ko
Ama, sana'y maunawaan mo
Kailangan lumaban minsan
Kapag ika'y isang lalaki
Ang tawag sa kanya'y
Duwag ng bayan
- Artist:Kenny Rogers
- Album:Kenny (1979)