八月、某、月明かり [Hachigatsu, Bou, Tsukiakari] [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-12-01 14:57:25

八月、某、月明かり [Hachigatsu, Bou, Tsukiakari] [Filipino/Tagalog translation]

Hindi ko kailangan ng kahit ano.

Ang aking puso ay maingay, at hinahapo kada lakad,

Tinakasan ko ang pinakaunang part-time na trabaho ko.

Sa musika at buhay ko, o mapa-alin pa man,

Mga hindi kanais-nais na mga bagay ay patuloy pa rin na dumarating.

Agosto, sa isang tiyak na lugar, tanglaw ng buwan, sumakay ako sa bisikleta,

Ang tulay sa istasyon ng Higashi-Fushimi, Kodaira, kalye ng Fuijimi, at ang lugar ng pamilihan,

Ang simoy ng gabi ay kumikiliti sa aking mga ilong, at itong sakit sa aking puso ay baka nasa imahinasyon ko lamang.

Nauunawaan ko, Nagkukunwari ako na nauunawaan ko.

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap,

Lahat ng tungkol sa akin ay pinakapangit,

Gusto ko na manatili ang hugis mo,

Sa tingin ko kailangan ko pang ayusin ang aking mga alaala.

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap,

Hindi ko matulungan ang aking sarili na masarap ang aking pakiramdam,

Ito na ang pinakamatindi, pati na rin ang mga lirikong ito.

Kung ang buhay ko 'man ay natapos sa edad na dalawangpu't pito, e'di rock n' roll ang nagligtas sa akin.

Tapos ko na isipin ang tungkol dito! Mamamatay rin naman ako balang araw,

Hindi kita kailangan, o kahit iba pa.

Ang aking puso ay maingay,

Ang aking lalamunan ay para ba'ng tuyo,

Sa unang pagkakataon, ibinenta ko na ang aking puso.

Hindi ko alam kung ito ba ay kayabangan o karamdaman sa puso, hindi na lamang ako nagkaroon nang pakielam,

Kinakailangan ko pa na mapagkumbaba kahit sa mga napakasamang tao.

Agosto, sa iisang tiyak na lugar, dinaanan ko ang mga tanawin,

Ang mga naglalakong tindahan sa Stockholm, Kiruna, at Gamla Stan.

Isinara ko na ang puso ko sa iyo,

Ang kabughawan ng kalangitan ay maaring imahinasyon ko lamang.

Ngumingiti, ang bukod tanging naiwan na lamang ang aking pag-ngiti.

Ito na ang pinakamasaklap, ito na ay kayabangan, ang kasakiman mo at ng iba,

Mga dramatiko at mga kanta na tungkol sa pag-ibig, ay mga walang nilalaman na kahulugan.

Nauunawaan ko, Oo, nauunawaan ko,

Ang buhay mo, ay buhay mo rin,

Ito na ang pinakamasaklap ngunit hindi na mahalaga kung gaano pa kalakas ang aking boses.

Dapat lang, Dapat talaga lang,

Na rock n' roll ang kanilang itinutugtog sa mundong iyon,

At hindi mga himno,

Dahil wala naman talagang diyos.

Wala 'ni iisa sa kanila ang may pakielam, mapa-krimen, mga pagkakamali, mga kriminal, mga taong pinaslang ang sarili, kahit mapa-digmaan man o kahit sa mga minoridad, wala silang pakielam.

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap, ang pagkakahiwalay na ito ay kayabangan lamang,

Nais ko na maging mapagkumbaba sa iyo,

Ngunit hindi ba ito ay katulad ng pandaraya, Elma!

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap dahil wala na'ng atrasan ito,

Nais ko'ng pag-iyakan ang gabing ito.

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap, dahil ang mga salita ay nakakasawa na

"Ang buhay mo ay ang aking tanglaw ng buwan"

Hindi ba 'yan ang madalas na sinasabi ng mga tao?

Ang pinakamasaklap, ito na ang pinakamasaklap, dahil hindi ko kayang tigilan ang sarili ko na tumawa,

Ito na ang pinakamapangit na liriko, para lamang sa kapakanan ng himig.

Kung ang buhay ko 'man ay natapos sa edad na dalawangpu't pito, e'di rock n' roll ang nagligtas sa akin.

Tapos ko na isipin ang tungkol dito! Mamamatay rin naman ako balang araw,

Ang kasalukuyan, pag-ibig, ang nakaraan, ang mga pangarap, mga alaala, ang paghuni, ang singkit ng mga mata, ang gabing ulang ulap,

Ang kalumanayan, ang mga pagdurusa, mga bokete ng bulaklak, kadalamhatian, ang tag-init na iyon, ang awiting ito,

Kaimbabawan, simoy ng gabi, mga kasinungalingan, ikaw, ako, at ang mga bughaw na kalangitan, hindi ko na sila kailangan lahat.

  • Artist:Yorushika
  • Album:だから僕は音楽を辞めた
Yorushika more
  • country:Japan
  • Languages:Japanese
  • Genre:Pop, Pop-Rock, Rock
  • Official site:http://yorushika.com
  • Wiki:https://ja.wikipedia.org/wiki/ヨルシカ
Yorushika Lyrics more
Yorushika Featuring Lyrics more
Yorushika Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs