花に亡霊 [hana ni boorei] [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-12-26 04:44:09

花に亡霊 [hana ni boorei] [Filipino/Tagalog translation]

Nakalimutan mo na ba?

Kung pa'no tayo umupo sa lilim ng tag-init, sabay pag-kain nang sorbetes, habang naghihintay nang simoy.

Nakalimutan mo na ba? Na lahat ng bagay rito sa mundo ay puno ng kasinungalingan,

Nakallimutan mo na ba kung pa'no tayo tumawa, at ang tugon ay "Hahanapin natin ang tunay na halaga".

Sana'y wag mo makalimutan, sana'y hindi mawala,

Dahil hindi lahat ng bagay na may hugis ay 'yon na.

Magsabi ka pa sa akin nang maraming salita, sabihin mo sa akin kung kailan darating ang tag-init,

Iginuguhit ko na, ang sumasalamin sa aking mga mata ay ang hininga mula sa tag-init.

Ang iyong palda ay umuugoy sa pag-ampiyas ng hangin, habang ang aking mga alaala ay nagsisimula nang mawala,

Humihinga nang malalim, pinunasan ang aking mga pawis, nadama ang tag-init.

Nakalimutan mo na ba?

Nung umupo tayo sa bangkuan sa lilim ng tag-init, may nakita tayong mga ulap na nagtatago sa likod ng burol,

Pinilit mo'ng abutin ang mga ulap, sumala ang iyong kamay at nagmukha kang tanga,

Gumuhit ako nang isang ulap sa papel, at patawang ibinigay sa iyo.

Sana'y wag mo makalimutan, sana'y hindi mawala,

Dahil hindi lahat nang nasusulat sa kasaysayan ay totoo na.

Sa ngayon, ang iyong mukha ay patuloy na naglalarawan sa aking isipan,

At nakalimutan ko na ang mga salita,

Ikaw ay ngumingiti,

At tayong dalawa ay hinihintay ang hininga mula sa tag-init.

Magsabi ka pa nang marami tungkol sa nilalaman ng iyong puso,

Sabihin mo kung ano ang samyo ng tag-init,

Humihinga nang malalim.

Sana'y wag mo makalimutan, sana'y hindi mawala,

Dahil hindi lahat nang sinisigaw ng puso ay totoo na.

Magsabi ka pa ng mga iyong salita,

Kahit salita na pamamaalam, sabihin mo sa akin,

Nakikita ko pa rin sila,

Ang mga kaluluwang nasa namumulaklak na mga bulaklak sa tag-init.

Hindi mga salita, ngunit oras,

Hindi oras, ngunit ang puso,

Humihinga nang malalim, pinunasan ang aking mga pawis, at nadama ang tag-init.

Nag-aamoy tag-init.

Siguro sa ngayon, nakalimutan mo na,

Kung pa'no tayo umupo sa lilim ng tag-init, sabay pag-kain nang sorbetes, habang naghihintay nang simoy.

Yorushika more
  • country:Japan
  • Languages:Japanese
  • Genre:Pop, Pop-Rock, Rock
  • Official site:http://yorushika.com
  • Wiki:https://ja.wikipedia.org/wiki/ヨルシカ
Yorushika Lyrics more
Yorushika Featuring Lyrics more
Yorushika Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs