I'm Not the Only One [Filipino/Tagalog translation]
I'm Not the Only One [Filipino/Tagalog translation]
May pangako tayong dalawa
Na magmamahalan sa hirap o ginhawa man
Di ako makapaniwala na ako'y yong binigo
Ng magawa mong saktan ang aking puso
Matagal na ring ako'y nagdududa
Denial ang peg ko lang
Sana lang matapos na lahat ito
Pero kelangan pa rin kita rito
Sabi mo sira lang ang ulo ko
Kala mo kasi di ko alam pinag-gagawa mo
Pero pag tinatawag mo akong bae
Alam ko hindi lang para sa akin ito
Lagi kang nawawala pero alam ko na
Dahil puso mo'y napunta na sa iba
Pero alam mong ikaw lang ang minahal ko
Sabi mo sira lang ang ulo ko
Kala mo kasi di ko alam pinag-gagawa mo
Pero pag tinatawag mo akong bae
Alam ko hindi lang para sa akin ito
Minahal kita nang maraming taon
Seguro hindi ako sapat sa iyo
Ngayon nakita ko na ang kinatatakutan ko
Kasinungalingan, kalokohan lahat ito
Sabi mo sira lang ang ulo ko
Kala mo kasi di ko alam pinag-gagawa mo
Pero pag tinatawag mo akong bae
Alam ko hindi lang para sa akin ito
Alam ko hindi lang ako
Alam ko hindi lang ako
Alam na alam ko
Hindi ako talaga para sa iyo
- Artist:Sam Smith
- Album:In the Lonely Hour (2014)