Into the Unknown [Filipino/Tagalog translation]
Into the Unknown [Filipino/Tagalog translation]
Dinig kita, ngunit 'di...
Ako magpapatinag, pakiusap lang
Kay raming bagay na maaaring pansinin
Bukod sa bulong mo, maglaho na sana
Ang 'yong bulong, walang puwang sa pandinig
Kung marinig ma'y, wala, huwag na lang dinggin
Lahat ng minamahal ko'y nandirito na
Patawad, pero pakinggan ka'y di na kailangan pa
Sapat na ang lahat ng pakikipagsapalaran
Nangangambang sumugal kapag sinundan ka
Tungo sa kawalan, tungo sa kawalan
Tungo sa kawalan
O, bakit ba 'di mo ko patulugin sa gabi?
Ikaw ba'y nag-aabang na ako'y magkamali?
O sadyang ikaw lang ay isang katulad ko
Batid na di 'to ang mundo para sa'yo
Araw ay lumilipas, mahika'y lumalakas
Hindi mo ba alam nais ka ring sundan
Tungo sa kawalan, tungo sa kawalan
Tungo sa kawalan
Nasaan ka? Nariyan ba?
Iparamdam! Ipakita!
Sa'n ka pupunta? Huwag mo ko iwan
Pa'no kita susundan tungo sa kawalan?
- Artist:Frozen 2 (OST)