Kailan tunay na mabubuhay? [When Will My Life Begin?] lyrics
Songs
2024-08-20 19:53:18
Kailan tunay na mabubuhay? [When Will My Life Begin?] lyrics
Dating gawi gigising tuwing umaga
Sisimulang maglinis at magwalis
Tapos nito,labada, gamit punasan
At walang 'sang oras, ay natapos ko na
Kaya't magbabasa libro, dal'wa tatlo
Magdadagdag ng kung ano sa obra ko
Tugtugan, gantsilyo
Tanong sa isip ko
Kailan tunay na mabubuhay?
Hapon naman libangan ay darts, pagkain,
Paper mache, sige mag-ballet at chess
Lilok at maglaro, kandila'y hubugin
Mag-unat, magpinta, umakyat o magburda
Muling magbabasa, kapag may oras pa
Muling magpipinta, tiyak may espasyo pa
Tapos magsusuklay
Suklay lang ng suklay
Nakakulong sa gan'tong buhay
Tanong sa isip, ay pa'no,
Kung pwede, ay kailan'
Kailan mabubuhay?
Ilaw bukas matatanaw
Bawat taon sa kaarawan ko
Nais masdan, gabing matanglaw
Nanay siguro'y ibigay ang
Hiling ko
- Artist:Tangled (OST)