LABEL lyrics

  2024-05-13 05:39:49

LABEL lyrics

Music and Lyrics by Myrtle Sarrosa

Additional Lyrics by Raymond "ABRA" Abracosa

[CHORUS]

Gusto mo ako,

'yan ang sabi mo

pero ayaw mo ng label.

Parang tayo

pero hindi tayo,

kasi ayaw mo ng label.

[MYRTLE]

Sabihin mo ano ba talaga

ang iyong nadarama

kasi sabi mo gusto mo ako

pero ayaw aminin sa iba.

'Di ko lang maintindihan

ba't naglalaro ng taguan

ng feelings para sa isa't isa.

[PRE-CHORUS]

Ako'y litong-lito,

ako'y nahihilo,

naiinis na sa'yo-o-oh.

Ako'y gulong-gulo,

sakit sa ulo,

naiinip na sa'yo.

[CHORUS]

Gusto mo ako,

'yan ang sabi mo

pero ayaw mo ng label.

Parang tayo

pero hindi tayo,

kasi ayaw mo ng label.

[ABRA]

Hmm, teka, bakit ka ganyan?

Alam mo naman na ‘di kailangang tatakan,

kasi ikaw lang ang nasa puso,

‘di naman natin kailangan pang makiuso.

Kasi ikaw ang una at huli kung sakali,

Le-labelan mo pa ikaw na nga yung may-ari,

'wag na kasi 'yan ang maipapayo.

Baka problema pa lahat pagka naging tayo,

tao lang naman akong nagmamahal.

Kung hindi yun totoo hindi tayo magtatagal

ang kapal kasi ng mukha ko.

Alam mo naman ayaw ko yung umaamo

at kahit umayaw ang gusto ko lang ikaw.

Kung puwede lang sabihin ako pa 'yung sisigaw.

Na paghilaw pa ‘wag na muna pitasin,

ang prutas dapat bigyan ng oras para pasarapin.

[PRE-CHORUS]

Ako'y litong-lito,

ako'y nahihilo,

naiinis na sa'yo-o-oh.

Ako'y gulong-gulo,

sakit sa ulo,

naiinip na sa'yo.

[CHORUS]

Gusto mo ako,

'yan ang sabi mo

pero ayaw mo ng label.

Parang tayo

pero hindi tayo,

kasi ayaw mo ng label.

[BRIDGE]

ABRA:

Hindi naman sa ayaw ko,

pakiramdam ko lang ‘di na natin kailangan ‘to.

MYRTLE:

Ba't ang labo mo malinaw na ako ang gusto mo

pero gusto ko klaro no!

ABRA:

Ang gulo, subukan mong tingnan sa ibang anggulo,

ikaw lang ang pinapangarap ko.

MYRTLE:

Hay nako ang lakas na naman ng amats mo,

'wag na lang kaya kung ayaw mo.

[PRE-CHORUS]

Ako'y litong-lito,

ako'y nahihilo,

naiinis na sa'yo-o-oh. (NAIINIS NA SAYO)

Ako'y gulong-gulo,

sakit sa ulo,

naiinip na sa'yo.

UH-OH BABY

[HOOK]

Ooh -la-la

Ooh -la-la-

Ooh -la-la-ohh

Now what's the label baby,

Parang Tayo Pero hindi tayo

Ooh -la-la-ohh

No We Don’t need no label

[CHORUS]

Kung gusto mo ako

tulad ng sabi mo

bakit ayaw mo ng label.

Ano ba talagang meron sa'ting dalawa,

kasi ayaw mo ng label.

Abra (Philippines) more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, English
  • Genre:Hip-Hop/Rap
  • Official site:
  • Wiki:
Abra (Philippines) Lyrics more
Excellent recommendation
Popular