Le festin [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-07-08 11:07:42

Le festin [Filipino/Tagalog translation]

Ang pangarap ng magkakasintahan ay tila malinamnam na alak

Ito'y nagbibigay ng saya at kalungkutan

Nanghihina dahil sa kagutuman, ako'y nalulumbay

Paglipad na lamang sa linsangan ang aking magawa

Pagkat walang anuman sa buhay ay libre.

Pag-asa ay pagkaing masyadong mabilis maubos

Kaya sanay na akong malipasan ng gutom

Ang nag-iisang magnanakaw na malungkot na kumakain

Sa larong napakapait, ako'y di makapagtagumpay

Pagkat walang anuman ang libre sa ...

Buhay ... Kailanman 'di nila sasabihin

Na ang mga tala, ay 'di para sa akin

Hayaan mong ika'y mamangha at sumabay sa akin,

At tayo'y sa wakas ay magiging maligaya

Ang selebrasyon ay magsisimula na,

Ilabas ang mga bote, iwaksi ang alitan

Ihahanda ang hapag-kainan ng aking bagong buhay

Ako'y galak sa ideya ng panibagong kapalarang ito

Buhay ng pagtatago at ngayo'y malaya na

Ang salu-salo ay nasa aking landas nga

Buhay ng pagtatago at ngayo'y malaya na

Ang salu-salo ay nasa aking landas nga

Camille (France) more
  • country:France
  • Languages:French, English
  • Genre:Singer-songwriter
  • Official site:http://www.camille-music.com
  • Wiki:http://fr.wikipedia.org/wiki/Camille_%28chanteuse%29
Camille (France) Lyrics more
Camille (France) Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs