Made Me Glad [Tagalog [dialects] translation]
Songs
2024-12-27 20:25:22
Made Me Glad [Tagalog [dialects] translation]
Lagi kong pupurihin ang Panginoon
Sa lahat ng pagkakataon, magtitiwala ako sa Kanya
Iniligtas Niya ako sa lahat ng kabagabagan
Dinala Niya ako sa malaking bato
Mananatili ako
at sasabihin ko sa Panginoon
Ikaw lamang ang sanggalang, at lakas ko
bahagi at tagapagligtas ko
kanlungan ko at matatag na muog
at handang saklolo kung may kaguluhan
Sino pa sa langit kundi ikaw lamang
Wala maliban sa Iyo ang aking kailangan
Nagagalak ako
at sasabihin ko sa Panginoon
Ikaw lamang ang sanggalang, at lakas ko
Lahat sa akin at tagapagligtas ko
kanlungan ko at matatag na muog
at handang saklolo kung may kaguluhan
- Artist:Miriam Webster
- Album:Blessed (track 04)