Mahal Ko O Mahal Ako lyrics
Mahal Ko O Mahal Ako lyrics
Dalawa kayo sa buhay ko
At ako ngayon
Ay kailangan nang mamili
Isa lang ang maaari
Alam mong narito ako
Lagi para sa iyo
Mahal kita ng labis
Ngunit iba ang iyong nais
At siya’y narito
Alay sa ki’y wagas na pag-ibig
Nalilito, litong, litong, lito
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito, litong, litong, lito
Sinong pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako?
Kahit di ako ang mahal mo
Kung mananatili ako sa yo
Ay baka matutunan mo rin
Na ako’y iyong ibigin
At kung sadyang siya’y tapat
Baka sakaling pagdaan ng araw
Matutunan ko rin ang ibigin siya
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya bang kumakatok sa puso ko?
Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito, litong, litong, lito
Sinong pipiliin ko?
Ang nais ko ay maranasan
Ang umibig at masuklian din ng pag-ibig
Sino ang iibigin ko?
Ikaw ba na pangarap ko?
O siya ba? (O siya ba?)
Oh, anong paiiralin ko?
Isip ba o ang puso ko?
Nalilito, litong, litong, lito
Litong, litong, lito
Sinong pipiliin ko?
Mahal ko o mahal ako?
- Artist:KZ Tandingan