Orasyon [Mano Po] lyrics

Songs   2024-10-05 13:39:57

Orasyon [Mano Po] lyrics

ilang saglit na lamang

ang sikat ng araw

papantay sa kapaligiran

kay gandang pag masdan

ang mga ibon at kulisap

nagsasagutan

sa tunog ng kamapana

kanilang sinasabayan

ang mga batang

naglalaro sa bakuran

dahan dahang magliligpit

ng kanilang mga laruan

at papanhik sila ng bahay

doon ay madadatnan

ang lolo ang lola

at mga mahal na magulang

(Short Solo)

alasais na ng hapon

oras ng orasyon

tahimik sa aming bukid

habang nagdidilim ang paligid

at ang maganda kong mailarawan

ay ang pagmano sa magulang

sa lolo sa lola tanda ng pag galang

mano po sa inyo ang sambit ng mga bata

sabay hawak sa kamay ng matatanda

mano po inay mano po itay

kami ay natutuwa

sa simpleng takbo ng buhay

(Solo)

ang kaugaliang aking nakita

sanay manatiling

isang magandang halimbawa

itoy isang kaugalian

na sanay pag ingatan

hiyas ng kabataan

sanay pangalagaan

mano po sa inyo ang sambit ng mga bata

sabay hawak sa kamay ng matatanda

mano po inay mano po itay

kami ay natutuwa

sa simpleng takbo ng buhay...

  • Artist:Asin
  • Album:Himig Ng Lahi
Asin more
  • country:Philippines
  • Languages:Filipino/Tagalog, Ilokano, Cebuano, Hiligaynon
  • Genre:Rock
  • Official site:
  • Wiki:http://en.wikipedia.org/wiki/Asin_(band)
Asin Lyrics more
Asin Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs