Señorita [Filipino/Tagalog translation]

Songs   2024-11-17 13:22:33

Señorita [Filipino/Tagalog translation]

Gustong-gusto ko talaga pag tinatawag mo akong senyorita

Sana kaya kong isipin na hindi kita kailangan

Ngunit sa bawat dampi mula sa iyo

Alam ko na ito'y totoo

Kailangan kong umalis at lumayo

Subali't lagi na lang akong bumabalik sa iyo

Diyan sa Miami

Mainit ang hanging mula sa tag-araw na ulan

Ako ay pawisan

Bago ko pa malaman ang iyong pangalan

Pakiramdam ko'y ooh-la-la-la, huwag sana

Mga gabing may liwanag ng sapirong buwan

Sabay ang ating pag-indak sa may buhanginan

Nang sumikat ang araw na tila tekila, tangan ko ang iyong katawan

Pakiramdam ko ay ooh-la-la-la, ganyan talaga

Gustong-gusto ko talaga pag tinatawag mo akong senyorita

Sana kaya kong isipin na hindi kita kailangan

Ngunit sa bawat dampi mula sa iyo

Alam ko na ito'y totoo

Kailangan kong umalis at lumayo

Ooh, alam mong gustong-gusto ko talaga pag tinatawag mo akong senyorita

Sana'y madali lang na iwanan ka

Ngunit sa bawat dampi ay ooh-la-la-la

Talagang-talaga

Kailangan kong umalis at lumayo

Subali't lagi na lang akong bumabalik sa iyo

Diyan sa loob ng hotel

May mga bagay na hindi nagbabago

Akala ko ba magkaibigan tayo

Pero di alam ng mga kaibigan kung anong lasa mo

Dahil matagal na ring simula nang dumating

Wag hayaan na ako'y mahulog

Nang ang labi mo ay mahubaran ako, nakawit ng dila

Kamatayan ang ako'y hagkan, wag mo nang tigilan

Gustong-gusto ko talaga pag tinatawag mo akong senyorita

Sana kaya kong isipin na hindi kita kailangan

Ngunit ang bawat dampi ay ooh-la-la-la

Siyang tunay, la-la-la

Ooh, kelangan umalis at lumayo

Ooh, ang senyoritang tawag mo ay gustong-gusto ko

Sana'y madali lang ang lumayo sa iyo

Ngunit ang bawat dampi ay ooh-la-la-la

Tunay talaga, la-la-la

Ooh, kelangan ko nang lumayo

Ooh, bumabalik pa rin ako sayo

Lagi na lang bumabalik ako sa iyo

Sana'y mahalaga rin ito sa iyo

Tawagin mo lang ang pangalan ko, darating ako para sa iyo

Darating ako para sa iyo

Para sa iyo (3X)

Ooh, kelangan ko nang lumayo

Ooh, bumabalik pa rin ako sayo

Shawn Mendes more
  • country:Canada
  • Languages:English, Portuguese
  • Genre:Pop, Singer-songwriter
  • Official site:http://shawnmendesofficial.com/
  • Wiki:https://en.wikipedia.org/wiki/Shawn_Mendes
Shawn Mendes Lyrics more
Shawn Mendes Featuring Lyrics more
Shawn Mendes Also Performed Pyrics more
Excellent Songs recommendation
Popular Songs
Artists
Songs