Secret Love Song [Filipino/Tagalog translation]
Secret Love Song [Filipino/Tagalog translation]
Magkahawak tayo sa tabing kalsada
At ang halik mo dun sa sayawan
Sana lang ay ganito
Bakit hindi pwedeng mangyari ito?
Dahil ako ay iyo
Doon nagtatago sa nakapinid na pinto
Tuwing nakikita parang tila mapupugto ang aking hininga
Nakaw na sandali pagkatapos ng palabas
Hindi kailanman mawawasto
Dahil alam kong para ka lang sa akin
Bawat bahagi mo ay tamang-tama
Bawat sandali, bawat gunita't isip
Doon sa aking kalaliman
Kahit walang nakaka-alam
Ngunit alam natin, itong pagsintang
naligaw ng landas
Bakit ba hindi kita pwedeng akbayan
o hawakan man lang?
O halikan habang nagsasayaw
Magiging mistulang pangarap na lang
Sana lang magkatotoo, sana maging tayo
Bakit hindi tayo maging ganoon?
Pagkat ako ay iyo.
Kung kasama mo siya, tinatawag mo ba ang pangalan niya
Tulad nang tayong dalawa
Pareho ba ng nararamdaman?
Iiwan mo ba ako gayong nandito na ako
handa na ako o di kaya nama'y
dumito ka't makapiling ka
Alam mo na ito, giliw ko, itong pagsintang
walang pupuntahan
Bakit ba hindi kita pwedeng akbayan
o hawakan man lang?
O halikan habang nagsasayaw
Magiging mistulang pangarap na lang
Sana lang magkatotoo, sana maging tayo
Bakit hindi tayo maging ganoon?
Pagkat ako ay iyo.
Walang nakakaalam na sa iba ang minamahal ko
Ayaw kong itago gusto kong malaman ng mundo
na ikaw ay pinakamamahal ko
pero nabubuhay lang naman ako
para sa ating dalawa
Bakit ba hindi kita pwedeng akbayan
o hawakan man lang?
O halikan habang nagsasayaw
Magiging mistulang pangarap na lang
Sana lang magkatotoo, sana maging tayo
Bakit hindi tayo maging ganoon?
Pagkat ako ay iyo.
Bakit hindi tayo ganyan?
Sana nga tayo iyan
- Artist:Little Mix
- Album:Glory Days Deluxe