嘘月 [usotsuki] [Filipino/Tagalog translation]
嘘月 [usotsuki] [Filipino/Tagalog translation]
Ang ulan ay nagsipatakan, mga bulaklak ay nagsilagasan,
Ang kaunting pamumula ng pisngi na lamang ang huling natandaan.
Ako'y tila bang lagi akong umiinom nang timba na puno ng liwanag ng buwan.
Totoo talaga, gan'yan lang talaga ang gabi,
Parang naglalasang malinaw na may pagdilim.
Sige, sabihin mo lang,
At ang pag-ngiti mo lamang ang iyong tugon.
Ako ay naghihintay para sa'yo.
Ang tag-init ay para b'ang nasa likuran ko lamang, at ang bayan ay naging tahimik,
Pagkatapos ng mahabang araw, ako ay muling nagbabalik sa kwartong ito.
Ang mga sandali ay tila naging gabi na, pinagmamasdan nang mag-isa ang kaakit-akit na buwan.
Hindi talaga ako nagloloko, ang mga luhang iniyak ko noon,
Ay tila naging bahagi na lamang ng mga sariwang hiyas.
Sige, sabihin mo lang, at ang pag-ngiti mo lamang ang iyong tugon.
Hindi ko na maalala ang iyong boses,
Ang mga alaala't pag-ibig ay matagal nang patay,
Ako'y naglakad sa baybayin na para bang walang hangin nung tag-init.
Ang iyong paalam lamang ang aking hinihingi,
At ako'y para bang ginugustong umidlip.
Na hindi na nagawang makatugon sa mga salita,
Ako ay naghihintay lang para sa'yo.
Ako'y tumanda na, ngunit tumanda lamang nang isang taon,
Ang tagsibol ay dumating na rin sa aking bakanteng kwarto.
Ako ay tila bang umiinom nang pag-ibig gamit ang pang-salok.
Walang halong biro, ngunit wala talaga itong lasa,
Mas marami man ang aking mainom, ang uhaw na ito ay lalo pang lumalala.
Siguro, p'wede mo namang sabihin, at ang iyong pag-ngiti ang naiwang tugon.
Ako ay naghihintay lamang sa pagdating ng gabi.
Ang iyong paghuni ay tanging nais ko,
At ako'y para bang ginugustong umidlip.
Na hindi na nagawang makatugon sa mga salita,
At ikaw lamang ang aking hinihintay.
Hindi ko na matandaan ang iyong mga mata,
Hindi ko na maalala ang hugis ng iyong bibig,
Na hindi na nagawang makatugon sa isa't isa,
At sawa na ako sa kahihintay para sa'yo.
Ang iyong ilong ay hindi ko na matandaan,
Ang iyong mga pisngi ay wala na sa aking isipan,
Na hindi na nagawang makapagpaalam sa isa't isa,
At ikaw ay naging gabi.
(Totoo talaga, gan'yan lang talaga ang gabi,
Parang naglalasang malinaw na may pagdilim.)
- Artist:Yorushika