Yearly lyrics
Yearly lyrics
Kada taon
May bagong rasyon kahit nagbabakasyon
Kada taon
Umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon
Kada taon
Umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon
Kada taon, lamon
Hindi 'yon nagkataon, dapat ramdam n'yo na
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
Pasalamat nga kayo kasi kahit papa'no (pa'no)
Nakabuo kami ng bagong eroplano (plano)
'Tsaka mga plano gamit ang tunog na makabago
Para makasabay ang mga tao
Garantisado, para kahit ilagay sa radyo
Panalo kahit walang hurado
Malinaw na agad na mataas ang grado
Malakas sa tao 'pag naglabas ng bago (whoa)
Sa sasabihin ko, hindi ko gustong magyabang
Talagang gusto ko lang ipaalam
Hindi man malaman ang gawa ko
Malamang mahihirapan ka bilangin kung ilan mag-aabang
Kasi 'di 'to matabang, malasa 'to, walang kulang
Kaya malabo na 'di ka masarapan
Masanay ka na lang, pero 'pag 'di ka pa rin nasiyahan
Sige lang, 'di na mahalaga 'yan
Basta kada taon, magpapaambon
Umasang walang patapon
Kada taon, parang dalagitang may dalaw
Malabong hindi magkaro'n
Kada taon, maraming gustong magtanong
Kung pa'no kami nagkaro'n
Nag-abang kami sa pagkakataon
Sadya 'yon, hindi lang basta nagkataon
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
'Di kami bumibitaw ng matabang
Kasi madami ang nakaabang
Mga tengang kawali, tropa kunwari
Buhangin sa mata kaiilang (yeah, yeah)
Basta kada taon sa aming nasyon
Putok lagi bulkang Mayon
Hindi 'yon nagkakataon, sadya na 'yon, tsong
'Di ka dapat nagtatatanong (brrr)
Pilit, pilit, pilit may masilip kada birit namin
Para makahirit kasi puro mahihilig mamuna
Uunahan na kita, naunahan na kita
'Di mo ba 'yon napuna?
Kaya dapat sa 'kin ang mata mo nakatitig
Mamatay sa kakaisip, maupo ka d'yan sa gilid
Sige, sirit na agad, dapat ako'y masagad
Maunahan pa kita, matakot ka 'pag ako na ang namuna
Nasa 'min ang saktong timpla
Tunog na wala sa iba
'Pag sa 'min galing ang kanta
Kinakabisado nila, dali mong mahahalata
Kaya sinanay ko sa mga anay sarili kong bahay
Kahit pamamahay, sabay pang tumagay
Gano'n ko inalay sarili ko bago ako humayahay
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
Sinabi ko na 'di ba dati pa?
Wala 'yan sino'ng nauna
Mga unang nagturo o naunang namuna
Sarap tsinelasin, oh s'ya, sapatusan ko na
Kurap ang gusto, inirapan ko na
Umapir lang saglit, oh ayun, namula
Inakala nilang bumaba na kami (bumaba na kami)
Paraan lang pala
Para kami'y lumipad, taas, paangat
Kinakain, ngatngat sinumang makasalubong
'Di lang dapat anim ang pinapabanat
Madaming panglapat kada hitang pinapaugong
At hindi lang mga bata ang pinapahanga
Kaya 'pag naghain, malaki, malukong
'Di lang basta na tumunganga, laging may panata
Dapat mapahanga, may takdang pananong
Sa 'min ang mga kantang
'Di mo inakalang umaalingawngaw
Sa magkabilaang tenga
Kahit ano mang tema, 'di na bagong pananaw
'Di na pwedeng mawala sa eksena kahit na ikulong
O ikadena na may kasamang murang malutong
Taon-taon, laging uhaw, palaging gutom
Kaya ngayon, alam mo na 'yon (Brando)
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
Wala nang panahon para magtapon
Ng oras kung alam naman na 'di nagkataon
Kung pa'no bumaon sa pandinig ng masa
Sasabihin mo pa ba na patapon?
'Yung kaya kong kitain ng isang gabi lang
Ay kailangan mong ipasok ng buong taon, damn
Kahit natutulog ay sumasamsam
Kaya puro mga bitter ang nagdadam-damn
Instant na kasi 'pag sa 'min nagmula
Laging pumapalo't humahataw sa takilya
Minsan lang kasi kung kami gumawa
Flawless shit, 'di kailangan ng masilya
Lahat na tuloy, gusto kami na masira
Inggit lang kasi sa galaw na pambihira
Walang tumatalab kahit sino ang manira
Pa'no sasabihin na mawawalan ng tira?
Parang bigtime na addict 'to (tira, tira)
'Di mawawalan ng arit 'to (tira, tira)
Bawal sumakay dito sa raket ko
Kami lang ang paangat dito
Kung taliwas ka sa 'min, eto, karit ko
Nakatutok na sa sentido
Bigay-pugay sa mga iho
Para pwede kang sumalok sa aming gripo
Hanggang ngayon
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
'Wag kang magtaka, alam mo na 'yan
At 'di na dapat pinapaliwanag
Nu'ng dumilim sa rap scene no'n
'Di ba isa kami sa nagpaliwanag?
Pagpasok pa lang, lahat nawindang
'Di mapaliwanag ang mga pagmumukha
Pinagbabali namin mga maling akala
No'ng humakot kami ng tiba-tiba, yah
Wala pang tinitira pero laging mayro'ng sugat
Silang mga galit para sa amin, mayro'ng sulat
Parang nanliligaw lang, laging sabik na makausad
Habang kami, pakape-kape, hindi sila kausap
Ang gusto kong sabihin lang
Kahit nakatikom ang bibig namin ay mayro'n nang sinabi (sinabi)
Nauna ka sa pila, eh, ano ang paki ko?
Kami naman pinipilahan ng madami (dami)
Markang iiwan ay masasabi
Na mala sapok ni Joe Frazier, yo, haymaker
Mayabang mang sabihin
Pero kami 'yung kahulugan ng salita na hitmaker (ooh)
'Di matatanggi, malabong mabura
Gamitin 'sangkatutak man na eraser
Rest stay there
'Wag n'yo nang piliting lumabas kami bilang mga dissmaker
Hanggang ngayon (hey)
Maririnig mo pa rin sa lahat ng estasyon
Hanggang ngayon (hey)
Sa mga telebisyon, maraming imbitasyon
Hanggang ngayon
Walang makaawat kasi walang limitasyon
Hanggang ngayon
Kasama sa henerasyon, hindi na mabubura 'yon
Kada taon (hey)
May bagong rasyon kahit nagbabakasyon
Kada taon (hey)
Umaraw man o umulan ay sa amin napapanahon
Kada taon
Umaangat kahit hindi tumalon kada bagong taon
Kada taon, lamon
Hindi 'yon nagkataon, dapat ramdam n'yo na
Hanggang ngayon, hinding-hindi n'yo makakaila
Na kung 'di dahil sa 'min ay pa'no na (oh)
Pangalan namin ay malabong mabura
(Hol' up, hol' up, hol' up, cut that singing shit) Ex B!
Pa'no na lang pala kung 'di kami lumabas?
Pa'no kung 'yung mga kanta namin ay 'di malakas?
Pa'no na lang pala kung 'di kami magaling?
Eh 'di, sana 'di n'yo kami titingalain
'Di namin kasalanan kung ba't 'di na kayo mabenta
Nu'ng panahong anihan na, saka kayo tumengga
Kaya 'yung mga kanta n'yo wala na sa bangketa
Amining masakit na wala na kayong kuwenta (ouch)
Hindi n'yo kayang tanggalin
'Yung kabitera n'yo sa 'min kaya 'di kami malaos
Matagal na po kayong tapos, tabi mga boss
Panahon 'to ng Ex B at ni Da' Sauce (bibeh)
Saludo sa mga lokal na nasa taas
Na hindi tayo titigil hanggang mas lumakas pa
Pero do'n sa mga pikon na wack
May pag-asa pa kayo na tigilan ang rap (ha, tap na?)
- Artist:Ex Battalion