Supermarket Flowers [Filipino/Tagalog translation]
Supermarket Flowers [Filipino/Tagalog translation]
Inalis ko ang mga bulaklak sa pasimano
Tinapon ko ang lumang tsaa sa baso
Niligpit ko ang koleksyon ni Matthew ng litrato
At inalala ang pagibig sa buhay ko
Ang mga tarheta’t laruan ay niligpit ko
Binuhos ang lumang salabat sa lababo
Sabi ni itay saakin huwag akong iiyak
Pero inay tuwing kukurap, laging may luhang babagsak
Ako’y basag at napira-piraso
Ngunit ang pusong minahal ay ang pusong durog
Kakanta ako ng Hallelujah
Ikaw ay anghel sa anyo ng aking ina
Tinayo mo ako nung ako’y nadapa
Ibuka mo ang ‘yong pakpak
At kapag kinuha ka Niya, Hallelujah, nakauwi ka na
Pinagpag ang unan, kama’y inayos, tinaas ang mga silya
Tinupi ko na rin ang ‘yong pantulog sa kaha
Si John na daw ang siya magmamaneho
Pinunasan niya ang luha sa pisngi ko
Hiling ko sana’y nakita ko ang mundo sa oras mo
Ang buhay na puno ng pagibig ang siyang bigay mo
Kakanta ako ng Hallelujah
Ikaw ay anghel sa anyo ng aking ina
Tinayo mo ako nung ako’y nadapa
Ibuka mo ang ‘yong pakpak
At kapag kinuha ka Niya, Hallelujah, nakauwi ka na
Kakanta ako ng Hallelujah
Ikaw ay anghel sa anyo ng aking ina
Makita mo sana ang anak mong nagbago na
Noong kinuha ka Niya, sabi niya’y Hallelujah, nakauwi ka na
isinalin ni: Jamelia Lonzaga
- Artist:Ed Sheeran
- Album:÷ (Divide) (2017)