Di Nagmamaliw [English translation]
Di Nagmamaliw [English translation]
Talata 1:
Di masukat ang biyayang nakamtan
nang sa buhay ko'y ikaw'y panaligan
kapayapaan ay aking nasumpungan
ikaw ang dahilan, Hesus ikaw lamang
ang nagmahal sa akin ng lubusan
Talata 2:
pinalaya sa aking nakaraan
binigyang patunay ng kabanalan
kapahingahan ay aking naranasan
ikaw ang dahilan, Hesus ikaw lamang
ang nagmahal sa akin ng lubusan
Koro:
di nagmamaliw, nagkukulang kailan pa man
walang wakas, walang patid
ang pag-ibig na alay Mo 2x
Talata 3:
Tagumpay sa buhay ko ay nakamit
bukas ang iyong kamay sa tuwing lalapit
katiyakan sa buhay na walang hanggan
ikaw ang dahilan, Hesus ikaw lamang
ang nagmahal sa akin ng lubusan
Koro:
di nagmamaliw, nagkukulang kailan pa man
walang wakas, walang patid
ang pag-ibig na alay Mo 2x
laging bago bawat umaga
labis-labis ang iyong pagsinta 2x
Ulitin ang koro 4x
Ulitin ang Talata 1
- Artist:Christian Hymns & Songs
- Album:Malayang Pilipino: Bagong Awit